Tiniyak ng OCTA Research group sa publiko na walang indikasyon na mayroong upward trend sa COVID-19 cases kahit pa nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng weekly positive growth rate na 8 percent.
Sa latest report nito, sinabi ng OCTA na ang NCR ay nakapagtala ng positive growth rrate na 8 percent mula Nobyembre 8 hanggang 14 matapos na makapagtala ng negative growth rate naman mula noong Setyembre 18.
Ang pagbabagong ito ay posibleng dahil sa “adjustments” ng mga numero dahil na rin sa mga naitalang backlogs, ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.
Sinabi ng grupo na ang seven-day average sa mga bagong COVID-19 cases sa NCR ay tumaas din mula sa 404 hanggang sa 435 habang ang reproduction number naman ay umakyat sa 0.52 hanggang 0.37.
Para kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kabila ng positive weekly growth rate, ang total bed utilization rate naman at ICU utilization rate sa rehiyon ay nasa low risk level.