Inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) na magpapatuloy ito sa pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor upang mapahusay ang mga kakayahan sa pagtugon sa kalamidad ng bansa.
Sinabi ni OCD administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, na ang kanyang kamakailang pagpupulong sa mga miyembro ng board ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) ay nilayon upang palakasin ang kanilang pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
Ito ay bilang bahagi ng whole-of-nation approach sa disaster risk reduction and management ng ating bansa.
Aniya, ang Philippine Disaster Resilience Foundation ay isa sa matibay na katuwang ng pamahalaan sa mga aktibidad sa pagpapaunlad ng kapasidad at pagtugon sa mga kalamidad.
Ang OCD at Philippine Disaster Resilience Foundation ay nagkaroon ng pakikipagtulungan sa pagbuo at paglulunsad ng Public Service Continuity Guidebooks
Gayundin sa pagbibigay ng technical support para sa mga aktibidad sa pagsasanay, at suporta para sa mga operasyon sa pagtugon sa kalamidad sa buong bansa.