-- Advertisements --

Nananawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga mambabatas na agarang isabatas ang Senate Bill 2999, na layong pahintulutan ang pag-deklara ng “state of imminent disaster” bago pa man tumama ang sakuna sa bansa.

Ayon kay OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno, panahon na para maging maagap ang pagtugon sa mga kalamidad sa halip na laging nahuhuli aniya ang aksyon pagdating sa mga sakuna.

Matatandaan na ang panukala ay inihain ni Senador Jinggoy Estrada at suportado rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan layon nitong gamitin ang mga datos at babala upang makapaghanda ang mga komunidad.

Ayon pa kay Estrada noong nakaraang taon lamang ay umabot sa P20 billion ang halaga ng iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyo sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panukala, 70% ng disaster funds ay ilalaan sa mga hakbang na maaring gawin bago pa ang isang kalamidad.

Layunin pa ng batas na mas mapabuti ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa sakuna.