-- Advertisements --

Ipinag-utos na ni Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa lahat ng mga Regional Office ng OCD na magsumite ng mga critical facilities na nasa ilalim ng kanilang area of responsibility kabilang na ang inspection report ng DPWH.

Layon ng kautusan na ito na masiguro ang integridad ng mga bahay, gusali, at kritikal na imprastraktura.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) 2020-2030.

Pinagsusumite rn ng opisyal sa mga Regional Directors ang napapanahong  imbentaryo ng lahat ng available na rescue assets sa kanilang mga rehiyon.

Kabilang na rito ang mga rubber boats, heavy rescue equipment; water filtration machines, at information and communication equipment.

Sinabi naman ni  Nepomuceno, ang mga datos ay kailangan ang kanilang ahensya para matukoy at mapagplanuhan ang nararapat na “intervention” at istratehiya ng sa gayon ay  maging mas epektibo ang kanilang ahensya sa kanilang ginagawang tugon sa anumang uri ng sakuna.