-- Advertisements --
EJ Obiena 1

Naniniwala si Asian Games gold medalist EJ Obiena na magagawa niyang malagpasan si World No. 1 pole vaulter Armand Duplantis sa Paris Olympics na gaganapin sa 2024.

Ayon kay Obiena, kailangan niya ng mahaba-habang training upang magawa ito, lalo na at tuloy-tuloy din ang improvement ni Duplantis sa kaniyang performance.

Si Duplantis ang may hawak sa world record na 6.23 meters na pole vault habang nagawa rin ni Obiena na malagpasan ang 6 meters sa mga nakalipas niyang performance sa international arena.

Ayon sa Pinoy athlete, hindi pa niya nagagawang malagpasan ang 6 meters sa mga nakalipas niyang training ngunit sa pagsabak nito sa mga international competition, maging siya ay nagugulat dahil nakakaya na niya itong gawin.

Bago ang Olympics, nakatakda pa ang kaliwat kanang international competition na sasalihan ni Obiena.

Sa 2024, maaari aniyang lalahok muna siya ng lima o mas higit pang mga kompetisyon bago ang Olympics, habang tuloy-tuloy lamang ang ensayo na gagawin para sa pinakamalaking sporting event sa buong mundo.