-- Advertisements --
Muli na namang binanatan ni dating US President Barack Obama si President Donald Trump.
Sa kaniyang pagkampanya kay Democrats presidential candidate Joe Biden sa Florida, na hindi pinagtuunan ni Trump ng atensyon ang problema sa COVID-19 kaya dumami ang kaso sa US.
Isa aniyang malinaw na halimbawa dito ay ang pagkakahawa ng maraming staff niya sa White House na malinaw na isang kapabayaan niya.
Ito na ang pangalawang beses na ikinampanya ni Obama si Biden na ang una ay doon sa Pennsylvania bago pa ang talumpati nito sa Democratic National Convention noong Agosto.
Nakatakda namang mangampanya si Trump sa Michigan, Wisconsin at Nebraska habang si Joe Biden ay magtutungo sa Georgia.