-- Advertisements --

DAVAO CITY (update) – Posibleng tatagal ng hanggang limang oras ang programa para sa oath taking ceremony ni Vice President – elect Sara Duterte sa June 19, 2022.

Sisimulan ang seremonya sa pamamagitan ng isang oras na thanks iving mass sa simula alas 3 hanggang alas 4 ng hapon sa San pedro cathedral na pangunahan ni Davao city Archbishop Romulo Valles.

Habang pagsapit nga alas 4:30 ng hapon sisimulan na rin ang pormal na inaugural ceremony kung saan maunumpa na si Vice president elect Sara Duterte sa pamamagitan kang supreme court justice Ramon Paul Hernando.

At sa pagsapit naman ng alas 6 hanggang alas 11 ng gabi magsasaya na ang mga Dabawenyo dahil sa inihandang Muiskahan pasasalamat kung saan magbibiagy aliw sa mga tao ang mga artista at perforners na naging bahagi rin ng matagumpay na kampanay ni VP INday Sara sa kanyang pangangampanya.

Sa kabilang dako, inihayag ni PMAJOR Ma. Teresita Gaspan spokesperson ng Davao city police office nga simula pa noong May 27 activated na ang Davao defense system kung saan ipinatupad ang mas mahigpit na mga checkpoint sa buong lungsod ng Dabaw.

Habang aabot naman ng dalawang libong mga police ang ipapalaat sa lugar na pafdarausan ng inagurasyon ng outgoing Davao city mayor Sara Duterte.