-- Advertisements --
image 499

Pinaalalahanan ng National Youth Commission (NYC) ang mga botante na suriing mabuti ang mga ibobotong kandidato sa BSKE 2023 na nakatakda sa Oktobre-30.

Sa naging mensahe ni NYC Chairman Undersecretary Ronald Cardema, sinabi nito na mahalagang ang mga mailuklok lamang sa katungkulan ay yaong mga kandidato na may magagawa para sa ikabubuti ng mga komyunidad.

Nakasalalay aniya sa kamay ng mga susunod na opisyal ang kinabukasan ng bansa at ng susunod na henerasyon.

Pinaalalahanan din nito ang mga botante na siguruhing malinis ang intensyon ng mga ibobotong kandidato at nais talaga nitong tumulong na mapagbuti pa ang pamahalaan.