-- Advertisements --
image 299

Todo paalala ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na makiisa sa pagtitipid o tamang pggamit ng suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Nino phenomenon.

Ayon kay NWRB executive director Sevillo David , sa kanilang parte katuwang ang iba pang mga water-related agencies naghahanap na aniya sila ng water sources para paghandaan ang epekto ng tagtuyot na inaasahang tatama sa bansa sa huling bahagi ng taon.

Tinitignan na din aniya kung paano maiipon ang mga tubig-ulan na mapapakinabangan ngayong panahon ng tagtuyot at summer season.

Una ng iniulat ng state weather bureau na posibleng mag-isyu ito ng El Nino alert sa buwan ng Mayo dahil 80% aniya ang tiyansa na mangyayari ang weather phenomenon na ito sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre at ang dry spell ay magsisimula sa Oktubre, Nobiyembre at Disyembre.

Mararanasan din ang full impact ng El Nino mula Enero hanggang Abril ng susunod na taon.

Nitong Biyernes, patuloy din ang pagbaba ng antas ng tubig sa angat dam na pangunahing pinagmumulan ng potable water para sa Metro Manila at sa apat pang pangunahing dams sa Luzon sa gitna na rin ng dry season.

Una na ring ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbuo ng isang grupo grupo na tututok sa pagbalangkas ng mitigating measures sa epekto ng El Nino Phenomenon