Naglabas ng cease-and-desist order ang National Water Resources Board laban sa Kontrobersyal resort na itinayo sa gitna ng Chocolate Hills sa Sagbayan, Bohol.
Ito ay matapos na mabigo rin umano ang pamunuan ng naturang resort na kumuha ng permit para sa paggamit ng water sources sa lugar.
Ayon kay NWRB Executive Director Ricky Arzadon, batay sa kanilang isinagawa ng imbestigasyon ay lumalabas na gumagamit ng deep well ang naturang resort nang walang anumang water rights o water application sa ahensya.
Bagay na maituturing aniyang illegal extraction of water dahilan kung bakit kinailangan na agad na maglabas ng cease-and-desist order laban sa naturang istraktura upang agad na mapigil ang kanilang ilegal na operasyon.
Kaugnay nito ay binigyan din ng 15 araw ang panig ng Captain’s Peak and Garden resort para ipaliwanag ang kanilang mga sarili sa harap ng NWRB.
Pagkatapos nito ay atsaka naman ia-aasses ng mga kinauukulan ang mga criminal charges na kanilang na isasampa laban sa naturang resort.
Kung maalala, marami ang tumuligsa sa Kontrobersyal na Captain’s Peak and Garden nang dahil sa ilegal na pagtatayo nito sa gitna ng Chocolate Hills na tila sumisira sa Ganda nito na tinaguriang world heritage at global geopark ng UNESCO.