-- Advertisements --

LA UNION – Aminado ang dalawang frontliners sa Singapore na nangangamba rin sila sa kanilang kaligtasan sa nakamamatay na COVID 19 lalo pa at tumataas ngayon ang bilang ng mga natatamaan ng naturang virus sa bansa.

Emosyunal na nakapanayam ng Bombo Radyo sina international news correspondents Mae Gabriel at Sharyrose Mae Biascan, kapwa nurse sa Singapore.

Ayon kay Gabriel, silang mga community nurse ay nabawasan ang trabaho pero nanatiling “well compensated” ng Singapore government.

Kumpleto pa rin aniya ang kanilang sinasahod at patuloy na nakakatanggap ng ang tulong ng mula sa gobyerno para sa kanilang rental fee.

Umaasa naman si Biascan na patuloy silang mabibigyan ng ayuda matapos na pinalawig pa ang lockdown sa bansa.