-- Advertisements --
Inihayag ng MMDA na ang pinalawak na number coding scheme ay sususpindihin ng tatlong araw sa susunod na linggo.
Ito ay sa Oktubre 30 O sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, Nobyembre 1 (All Saints’ Day), at Nobyembre 2 (All Souls’ Day).
Ang pagpapatupad ng pinalawak na scheme ng number coding ay sinuspinde sa mga susunod na araw na idineklara bilang mga special non working days.
Dagdag dito, inanunsyo ng MMDA na hindi bababa sa 1,400 traffic enforcers ang ipapakalat sa Undas break na mamamahala sa trapiko.
Una nang sinabi ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes, na magpapatupad ang MMDA ng “no leave, no absent” policy para matiyak ang presensya ng mga enforcer sa lansangan at umagapay sa publiko.