-- Advertisements --

Sasamantalahin ng NBA Defending champion Denver Nuggets ang kanilang home court advantage laban sa Minnesota Timberwolves matapos na matabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference semifinals.

Ipapalasap ni three-time Most Valuable Player Nikola Jokic ang pagiging 2023 NBA Champion kung saan sinabi ni Nuggets head coach Michael Malone na inihanda niya ang ilang bench players para mag-level up sa nasabing laro.

Sa paning Timberwolves ay pinaghandaan nina Anthony Edwards, Rudy Gobert at iba pa ang laro para makausad sila sa unang Western Conference finals na huling nalasap nila ay noon pang 2004.

Nahaharap din ang Minnesota sa hamon ngayong Game 5 dahil sa hindi paglalaro ng isa nilang star player na si Mike Conley dahil sa ito ay mayroong injury.

Noong nakaraang taon ay tinalo ng Nuggets ang Timberwolves sa first round ng playoffs sa loob lamang ng limang laro.