-- Advertisements --
Desidido ang NBA defending champion Denver Nuggets na makabawi laban sa Minnesota Timberwolves matapos na talunin sila sa unang laro sa 2nd round ng Western Conference playoffs.
Malaking hamon ngayon sa Wolves dahil sa hindi pa tiyak kung makakapaglaro ang kanilang center na si Rudy Gobert.
Ayon sa koponan na mayroong personal na reason ang three-time defensive Player of the Year.
Noong Game 1 kasi ay naging malaking tulong si Gobert kay Anthony Edwards na nagtala ng 43 points.
Inaasahan ng Wolves na magiging malakas ang performance nina Nikola Jokic, Jamal Murray, at Michael Porter Jr para maitabla sa 1-1 ang serye.