Muling nagpakitang-gilas ang Denver Nuggets sa ikalawang pagtatapat nila sa Los Angeles lakers, matapos nila itong talunin sa score na 108 – 103
Naging aggresibo ang Lakers sa pagsisimula ng laro. Sa kabuuan ng Game, nakailang beses na lumamang ng double-digit ang Lakers laban sa Nuggets ngunit sa tindi ng opensa ng Nuggets, kaagad din nilang nahabol ang Lakers.
Sa pagpasok ng 4rth quarter, pinangunahan ni Jamal Murray ang scoring run ng Nuggets na halos hindi magmintis sa kanyang mga tira. Dahil dito, umabanse ang Nuggets ng double digit laban sa Lakers. Pinilit naman ng Lakers na humabol sa huling 3 minuto ng laro ngunit hindi na nagawa pang malamangan ang Denver.
Naging susi sa panalo ng Nuggets si Jamal Murray na may 37 points at 10 rebounds, habang muling nagpakita ng triple-double performance si Nikola Jokic na may 23 points, 17 rebounds, at 12 assists. Ang dalawang player ay ibinabad ng husto sa loob ng 43 minuites.
Sa panig ng Lakers, kapwa nagbuhos ng 22 points sina Lebron James at Austin Reeves, habang kumuha naman si Anthony Davis ng 14 rebounds ngunit nalimitahan lamang sa 8 points.
Gaganapin ang dalawang sunod na Game sa Crypto Arena, homecourt ng Los Angeles Lakers.