-- Advertisements --

Hinimok ng National Task Force Against COVID-19 ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na gawing prayoridad ang second doses ng mga indibidwal na naturukan na ng first shot ng Sinovac COVID-19 vaccines.

Ayon kay treatment czar Secretary Vince Dizon, magkakaroon kasi ng delay sa susunod na shipment ng Sinovac COVID-19 vaccine base na rin sa Chinese manufacturer nito.

Nabatid aniya na ang susunod na delivery ng Sinovac ng kanilang mga bakuna sa Pilipinas ay naurong sa Hulyo 18.

Pero patuloy namang sinisikap ngayon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na matuloy sa susunod na linggo ang pagdating ng mga bakunang ito.

Sa ngayon, nagkakaroon kasi aniya nang problema sa global supply kaya delayed ang delivery ng naturang mga bakuna.

Samantala, sinabi naman ni Galvez sa hiwalay na statement na 2.5 million doses ang delayed Sinovac shipment.