-- Advertisements --

Inatasang muli National Telecommunications sa ikatlong pagkakataon ang mga telecommunications companies para mag-isyu ng babala sa publiko laban sa naglipanang spam text messages na nag-aalok sa mga mobile phone users ng malaking sweldo.

Sa inilabas na memorandum na may petsang June 29, ipinag-utos ng NTC sa DITO telecommunity , Globe Telecom at Smart Communications na magpadala ng nasabing warning sa mga subscribers mula July 5 hanggang July 11.

Nauna ng nag-isyu ng kaparehong direktiba ang NTC noong May 27 at June 9.

Ngunit sa kabila ng mga nauna ng abiso, patuloy pa rin ang talamak na pagpapakalat ng mga pekeng job offers at iba pang kahalintulad na scams sa nakalipas na buwan ng Hunyo sa mga telecommunications network sa bansa.

Kaubnay nito, inatasan na rin ng NTC ang telcos ang pag-block sa mga SIM cards na ginagamit na kasangkapan para sa naturang fraudulent activities at upang mapalakas ang public information campaigns para magkaroon ng awareness ng publiko sa naturang isyu.

Binigyan ang mga telcos ng hanggang sa July 15 para magsumite ng kanilang written reports of compliance sa naturang ditrektiba ng NTC.

Top