Personal na binisita ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos ang Pag-asa Island (international name: Thitu Island) na nasa Kalayaan Group of Islands sa bahagi ng West Philippine Sea sakay ng military aircraft.
Ito rin naman ay kinumpirma ng municipal government ng Kalayaan, na siyang parte ng Palawan province.
Ayon sa statement ng lokal na pamahalaan kabilang sa dahilan sa pagbisita ni Sec. Carlos sa Barangay Pag-Asa sa Kalayaan ay upang personal na matunghayan ang pisikal na kalagayan ng nasabing bayan kung saan nakipagpulong siya sa ilang military official, LGUs at ilang mga residente.
Sa panig ng Team Western Command, hinarap si Sec. Carlos ng commander na si Vice Admiral Alberto Carlos.
Ayon sa Team Wescom chief, ang pagbisita ng national security adviser ay pagpapakita rin ng matatag na paninindigan upang protektahan ang estado at ang mamamayan.
Ang Pag-asa Island, ay may layong 285 miles west ng mainland Palawan.
Ang naturang maliit na munisipyo ay naitatag noong taong 1978.