-- Advertisements --
Tiyak na sa quarterfinals slot ang NorthPort Batang Pier matapos talunin ang Blackwater Bossing 106-89 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nasa pang-anim na puwesto na sila at tiyak na ang pag-usad nila sa susunod na round.
Nanguna sa panalo si Joshua Munzon na nagtala ng 20 points, apat na rebounds at limang assists.
Nagdagdag naman ng 19 points at 20 rebounds si Venky Jols.
Ang pagkatalo ng Bossings ay siyang pang-siyam na sunod nila kung saan mayroon na silang isang panalo at siyam na talo.