-- Advertisements --

Tinambakan ng NorthPort Batang Pier ang Rain or Shine Elasto Painters 94-81 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng NorthPort si Robert Bolick na nagtala ng 22 points, apat na rebounds at anim na assists habang mayroong 18 points at 15 rebounds si Jamie Malonzo at 15 points at anim na rebounds naman si Kevin Ferrer.

Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Batang Pier sa third quarter.

Nasayang naman
ang nagawang 19 points ni Mike Nieto at 30 points ang pinagsamang points ni Santi Santillan at Anton Asistio para sa Rain or Shine.