-- Advertisements --

Tiniyak ng North Korea na kanilang pag-iibayuhin ang muling pagpapalipad nila ng space satellite.

Kasunod ito sa pagpalpak ng unang space satellite na kanilang inilunsad.

Sa ginawa kasing paglunsad ng kanilang unang space satellite ay bumagsak agad ito sa karagatan.

Dahil dito tiniyak ng Pyongyang na
magsasagawa sila ng pangalawang paglunsad ng satellite.

Tinanggal na rin ng mga bansang Japan, South Korea at Pilipinas ang notice to airmen dahil sa bigong pagpapalipad ng North Korea ng kanilang satellite.