-- Advertisements --

Nakatakdang maglagay ang North Korea ng makabagong kagamitang pandigma ang North Korea sa border nila ng South Korea.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa matapos an umatras na ang South Korea sa 2018 agreement na ginawa para mapababa ang tensiyon sa Korean peninsula.

Ang nasabing kasunduan ay pirmado noon ni dating South Koean President Moon Jae-in at North Korean Leader Kim Jong Un sa Panmunjom sa border ng dalawang bansa.

Nakadeklara sa nasabing kasunduan na wala ng mangyayaring giyera sa Korean Peninsula at ang bagong panahon ng kapayapaan ay magsisimula na.

Mahigpit kasing kinondina ng North Korea ang ginagawang military cooperation ng South Korea, Japan at US.

Ikinagalit din ng North Korea ang posibleng pagbebenta ng mga advance missiles ng US sa Japan at military equipment sa South Korea na pinangangambahang gagamitin ito sa kanila.

Nag-udyok naman sa South Korea na iatras ang 2018 peace agreement matapos na maglunsad ang North Korea ng kanilang spy satellite nitong nakaraang araw.