-- Advertisements --
Nagpaputok ang North Korea ng pinaghihinalaang ballistic missile, ayon yan sa defense ministry ng Japan at ng militar ng South Korea, ilang oras matapos ang hiwalay na pag-deploy ng United States ng B-1B bombers para sa allied air drills.
Ang paglunsad ay nangyare habang naghahanda ang South Korea at United States na tapusin ang 11 araw ng combined military drills, na tinuligsa naman ng Pyongyang.
Ang B-1B bombers ay nagsagawa ng hiwalay na air drills na may warplanes mula sa South Korea at Japan noong Miyerkules.
Samantala, ang mga ballistic missiles ng North Korea ay ipinagbawal na ng United Nations Security Council resolutions na nagpataw ng mahigpit na parusa sa naturang nuclear-armed country.