-- Advertisements --
Muli namang nagpakawala ang North Korea ng dalawang cruise missiles ilang buwan matapos ang record-breaking na weapon tests nito ngayong taon.
Ayon sa opisyal ng Defense Ministry sa Seoul, nadetect ang dalawang cruise missiles ng North korea sa West Sea mula sa Onchon, South Pyongan province.
Huling naglunsad ng weapon test ang Pyongyang noong July 10 kung saan isang multiple rocket launchers ang lumalabas na pinakawalan ng North Korea.
Mula noong enero ilang serye ng weapon test ang isinagawa ng Northe Korea kabilang ang firing ng isang intercontinental ballistic missile na kaua-unahan mula noong taong 2017.
Nagbabala naman ang US at South Korean officials na naghahanda ang North Korea ng paglulunsad ng kanilang ikapitong nuclear test