-- Advertisements --
Kim Jun Un

Isinisi pa ngayon ng North Korea sa Israel ang dahilan ng pagdanak ng dugo sa ilang bahagi ng naturang bansa.

Ito ay sa gitna ng tumitinding sagupaan ng Israeli defense forces at militanteng grupong Hamas sa lugar na ikinasawi ng libo-libong mga indibidwal.

Sa isang pahayagan ay sinabi ng namumunong tagapagsalita ng isang North Korean Workers’ Party na si Rodong Sinmun na sinasabi ng international community na ang naturang kaguluhan ay resulta ng ginagawang “criminal acts” ng Israel laban sa mga Palestinian.

Ito aniya ang dahilan kung bakit kinailangan umatake ng mga Palestino na layuning kumawala upang makapagtayo ng isang independent Palestinian state.

Matatandaan na una nang nagbanta ang Hamas na papatay ito ng isang Israeli na kanilang bihag sa tuwing bobombahin ng Israel ang isang tahanan ng Palestine nang walang babala sa gitna ng pangamba sa isang ground assault na ginagawa ng Israel, kung saan tumawag pa ito ng nasa 300,000 indibidwal na pawang hindi pa mga ganap na reservist kung saan nagpataw pa sila ng blockade sa Gaza.

Kung maaalala, ang mga nagaganap na karahasan sa nasabing bansa na kumitil na sa buhay ng nasa mahigit 1,600 na mga indibidwal ay nagdulot ng international declarations ng suporta para sa Israel, kasabay ng apela na tuldukan na ang mga labanan na ito at protektahan ang mga sibilyang apektado ng mga pag-atake ng militanteng grupong Hamas.