-- Advertisements --
Ipinagdiwang ng North Korea ang ika-110th kaarawan ng kanilang founding leader na si Kim II Sung.
Si Sung ang siyang lolo ng kasalukuyang lider na si Kim Jong Un.
Nagsagawa ng makulay na parada ang bansa ganun din ang military parade na ipinakita ang kanilang mga armas na pandigma.
Nangyari ang nasabing pagdiriwang matapos ang tatlong linggo ng magsagawa ang North Korea ng pinakamalaking intercontinental missile test.
Ito rin aniya ang pinakamalaking missile test na isinagawa ni Kim mula noong 2017.