-- Advertisements --

Sinalubong ng standing ovation si Nora Aunor sa pagdalo nito sa CCP National Artists Awards.

Isinagawa kasi nitong Miyerkules ng hapon ang Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining 2022 ng ambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Sa nasabing programa kinilala ng mga nabigyan ng national artists awards na iginawad kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay ng tinaguriang “Superstar” si Ricky Lee na kinilala bilang National Artist for Broadcast Arts.

Kasama ng beteranang actress ang anak nitong si Ian de Leon at ilang mga miyembro ng pamilya a mga malalapit na kaibigan.

Sa kaniyang talumpati , pinasalamatan ng beteranang actress ang kaniyang mga kaibigan ang kapwa artista na nanindigan na dapat siya ang kilalanin para makuha ang nasabing parangal.