Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na naka-dipende pa rin sa magiging alert level status ng NCR ang magiging kapalaran ng “No Vaccine, No Ride” policy.
Ayon kay Transportation spokesperson Goddes Hope Libiran, base sa Department Order ng kanilang kagawaran, epektibo lamang ang polisiyang naghihigpit sa access sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region ng mga partially at unvaccinated kontra COVID-19 kapag nas ailalim ng ALert Level 3 ang Metro Manila.
Kapag mag-deescalate sa Alert Level 2 ang restrictions sa NCR, otomatiko na aniyang lifted na rin ang No Vaccine, No Ride Policy.
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 31.
Ngayong umaga, sinabi ng DOTr na mayroong hanggang Pebrero 25 ang mga unvaccinated at partially vaccinated na mga manggagawa para makapagpabakuna upang sa gayon makasakay pa rin sila sa mga pampublikong sasakyan.
Iginiit ng Kagawaran na sa loob ng 30-day window na ito maari pa ring makasakay sa mga public transportation ang mga hindi pa bakunado o kulang pa ang doses na naituturok sa kanila.