-- Advertisements --

LAOAG CITY – Simula sa Lunes, Enero 17 ay ipapatupad na ang “No Vaccination, No Ride” policy dito sa lalawigan.

Sinabi naman ng mga ilang jeepney drivers partikular sa Central Terminal dito sa lungsod ng Laoag na tatalima sila sa “No Vaccination, No Ride” Policy ng Department of Transportation (DOTr).

Sa pakikipag-usap ng Bombo Radyo Laoag sa mga drivers, sinabi ng mga ito na wala silang magagawa kundi ang sumunod sa protocol at hahanapin na nila ang vaccine card ng lahat ng pasahero.

Inihayag nila na ang polisiya ay para na rin sa kaligtasan nilang drivers at ang mga pasahero.

Samantala, dahil sa polisiya ay mas marami pa ang gustong magpabakuna laban sa covid-19.