Pinuna ng World’s number 1 tennis player ang Women Tennis Association (WTA) dahil sa hindi nito pagkilos upang pagbawalan ang mga Russian players.
Matatandaang sa ibang sports ay hayagang pinagbawalan na ang mga Russian athletes na makipagkumpetinsya, matapos ang paglusob ng Russia sa Ukraine noong nakaraang taon.
Ayon sa 21 anyos na si Iga Swiatek, walang ginawa ang WTA upang pagbawalan man lang sana ang mga babeng tennis players.
Inihalimbawa ni Swiatek ang nangyari noong pagkatapos ng World War II kung saan pinagbawalan ang mga German, Japanese at mga Italians na lumahok sa mga international sports competitions.
Ani Swiatek, kulang ang ipinapakitang leadership ng WTA at Association of Tennis Professionals (ATP) sa kawalan nito ng aksyon. (Bombo Genesis Racho)