Binabantayan ng National Maritime Council (NMC) ang mga aggresibong aksyon ng China sa WPS, laban sa mga PH vessel.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay NMC Spokesperson Usec. Alexander Lopez, sinabi niyang mula pa nitong buwan ng Marso ay tuloy-tuloy na ang mga serye ng aggresibong aksyon ng mga Chinese vessel, lalo na nitong buwan ng Marso.
Pinapayuhan aniya ng NMC ang mga commander at ship captain ng mga barko ng Pilipinas na idokumento ang lahat ng mga pambubully upang maipaabot sa Department of Foreign Affairs at magawan ng akmang aksyon.
Pinapayuhan din ng NMC ang mga ito na maging mahinahin at hangga’t maaari ay huwag nang patulan pa ang mga pambubully ng China.
Samantala, hindi rin isinasantabi ng NMC ang posibleng lalo pang pagtaas ng bilang ng mga barko ng China sa WPS ngayong summer season kung saan maganda ang panahon.
Ayon kay Lopze, kadalasang nangyayari ito kapag maayos ang lagay ng mga karagatan, ngunit hindi lamang mga Cinese vessel ang dumarami kungdi maging ang iba pang mga nationalities, kaya’t hindi naman aniya nakakabahala ang naturang sitwasyon.
Gayonpama, tiniyak ni Lopez na patuloy na babantayan ng PH government ang mga aktibidad sa WPS upang masigurong protektado ang teritoryo ng bansa mula sa mga dayuhang barko na nagtatangkanmg manghimasok. (Report by Bombo Jai)
















