-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng NLEX Roadwarriors ang Blackwater 124-102 sa unang laro nila sa pagsisimula ng PBA Governor’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng NLEX si Jonathon Simmons na nagtala ng 32 points, siyam na rebounds at pitong assists.
Nagdagdag naman ng 31 points, tatlong assists at walong rebounds si Kevin Alas.
Mula sa simula ay hawak ng NLEX ang kalamangan kung saan umabot pa sa 22 points ang kanilang kalamangan.










