-- Advertisements --

Nagpasya ang NLEX Road Warriors na pakawalan na ang kanilang import na si Thomas Robinson.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng naganap na paninigaw nito kay Northport team manager Pido Jarencio.

Nasabihan ng management ng NLEX ang number 5 overall pick ng 2012 NBA draft matapos ang limang araw na bakasyon nito sa Palawan at Boracay.

Magugunitang noong nakaraang Miyerkules ay nakasgiwan niya si Jarencio at NorthPort team governor Eric Arejola kahit nagwagi ang NLEX 112-104.

Nakatakda sana itong ipatawag subalit nagtungo sa Palawan at Boracay si Robinson kasama ang mga kaanak nito.