-- Advertisements --

Muling nagtamo ng injury sa kaniyang tuhod si Nlex Road Warriors player Kevin Alas.

Ayon sa koponan na na-diagnosed ang 6-foot-1 player ng Anterior Cruciate Ligament (ACL) sa knaiy ang kaliwang tuhod.

Natamo nito ang injury sa unang quarter ng laban nila ng Terrafirma Dyip nitong Sabado.

Ito na ang pangatlong beses na nagtamo ng injury si Alas na ang una ay noong 2018 Philippine Cup semifinals laban sa Magnolia Hotshots at ang ikalawa ay noong 2019 Philippine Cup laban sa Meralco Bolts na naganap ang injury sa venue nila sa Antipolo.

Hindi pa matiyak ng NLEX kung hanggang kailan ang pagpapagaling nito para makabalik sa paglalaro.