-- Advertisements --
Pinataob ng NLEX Road Warriors ang Phoenix 87-81 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Dominado ng NLEX ang laro kung saan umabot pa sa 20 points ang kanilang kalamangan.
Subalit hinabol ito ng Phoenix hanggang napababa sa dalawang puntos ang kanilang kalamangan.
Bumida sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 26 points, limang rebounds at tatlong assits habang mayroong 11 points at 10 rebounds si Anthony Semerad.
Hinangaan ni NLEX coach Jong Uichico ang ipinamalas na galing ni Alas para maipanalo ang laro.
Hind naman umubra ang ginawang 22 points ni Ricci Rivero para sa Phoenix.