-- Advertisements --

Umabot sa 16 points ang hinabol ng NLEX Roadwarriors para talunin ang Terrafirma 105-102 sa kanilang unang laro sa 47th PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 24 points habang mayroong 20 points si Calvin Oftana.

Habang mayroong 18 points na naimbag si JR Quinahan habang mayroong 15 points, walong rebounds si Don Trollano at 13 points naman kay Justin Chua.

Hindi naman na nagulat si NLEX coach Yeng Guiao dahil sa ipinamalas ng Terrafirma dahil sa kumpleto aniya ang koponan at mga malalaki ang mga ito.