-- Advertisements --
Patuloy na tatanggap ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) kahit pa ang COVID-19 wards nila sa ngayon ay 100 percent nang okupado.
Ayon kay NKTI acting deputy executive director for medical services Dr. Romina Danguilan, karamihan sa mga admitted na COVID-19 patients nila sa ospital ay nagpapa-dialysis.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin sila ng pagtanggap ng mga COVID-19 patients dahil karamihan sa mga ospital at dialysis centers, ay hindi sila tinatanggap.
Para patuloy na ang kanilang pagtanggap ng mga COVID-19 positive patients, sinabi ni Danguilan na sinusubukan nilang makabuo ng kompromiso at limitahan ang kanilang operations sa ibang mga sakit.