-- Advertisements --
image 396

Dalawang araw bago ang kanyang kauna-unahang Finals appearance, handa na umano ang big man ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic para sa ‘crowning glory’ na kaakibat ng paglalaro sa Finals.

Ito ay batay na rin sa tiwala at confidence ng mga NBA superstars at NBA championsna dati nang sumubok sa Finals.

Para kay 4x NBA Champion Lebron James, halos kahalintulad ng kanyang laro ang nilalaro ngayon ni Jokic, na malaking bagay aniya para dalhin siya sa kampeonato. Kasama na rin dito aniya ang umano’y disiplina sa paglalaro ni Jokic.

Para naman kay 2x NBA Champion Kevin Durant, ngayon pa lamang ay isa na si Jokic bilang ‘all-time gratest centers’ sa buong liga.

Ang dalawang NBA superstar ay kapwa tinalo ng Denver sa pangunguna ni Jokic, sa Conference Finals ng kasalukuyang season.

Nakatakdang harapin ng Denver ang Miami Heat sa araw ng Biyernes, oras sa Pilipinas, para sa Game 1 ng NBA Finals 2023. Gaganapin ang nasabing laro sa homecourt ng Nuggets, sa Denver Colorado.