-- Advertisements --

Nanawagan si Nigerian President Bola Tinubu ng masusing imbestigasyon sa nangyaring drone attack na ikinasawi ng halos 85 katao.

Target ng military drones ang mga insurgents at bandido sa northern Kaduna state.

Kinumpirma ng Kaduna State Emergency Management Agency na kasamang nadamay sa nasabing drone attacks ang nasa 85 katao.

Ayon sa Nigerian president na ang pangyayari ay nakakalungkot at nakakabahala dahil sa dami ng mga sibilyang nadamay.

Nanawagan din ang pangulo sa mga mamamayan nito na maging kalmado habang hindi pa tapos aniya ang isinusulong nitong imbestigasyon para mapanagot ang mga military officials dahil sa kanilang kapalpakan.