-- Advertisements --
Nasa proseso pa rin ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para sa designation na terorista si suspended Rep. Arnulfo Teves Jr.
Sinabi ni NICA Director General Ricardo De Leon na patuloy ang pangangalap ng ebidensiya ng binuo nilang technical working group.
Ang technical working group ay pinangungunahan ng Deparment of Justice (DOJ), Anti-Terrorism Council (ATC), NICA, NBI at National Security Authority.
Sakaling mayroon ng rekomendasyon ang technical working group ay agad silang makikipagpulong kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Kapag tuluyang madeklarang terorista si Teves ay magsasagawa ng pagproseso ang Anti-Money Laundering Council para sa pinansiyal na usapin sa nasabing opisyal.










