Target ng National Irrigation Administration (NIA) na pabilisin ang konstruksyon ng mga dam sa bansa sa loob ng tatlong taon.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, na nagpagawa na ang ahensya ng design and build manual para mapaiksi ang konstruksyon ng mga dam.
Ang pagtatayo kasi aniya ng mga karagdagang dam ang nakikitang solusyon ng pamahalaan para tugunan ang water deficit sa bansa, lalo na kapag tag-init.
Dagdag pa ni Guillen na bukod sa pagtatayo ng mga high dams ay nais din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tutukan ng NIA ang water management.
Sinabi pa aniya ng Pangulo na pang matagalang solusyon ang mga malalaking dam lalo na kung mayroon pang irigasyon, flood control, power generation, domestic water, at aquaculture.
Samantala, sa kasalukuyan ay sinisimulan na ng NIA ang pagtatayo ng Bayabas Dam, Maringalo Dam, Alimit dam at Tumauini dam.