-- Advertisements --
Ikinokonsidera na rin ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagsasagawa ng review sa kanilang protocols para sa pagre-release ng tubig sa mga dam.
Ayon kay NIA Dam and Reservoir Division Manager Engr. Eduardo Ramos, nagpulong na sila ng iba pang opisyal ng kanilang tanggapan para silipin ang ilang hakbang na maaaring baguhin.
Layunin nitong mai-angkop sa panahon ang mga abiso, depende sa tindi ng inaasahang ulan na papasok sa dam.
Gayunman, hindi nito sinang-ayunan ang panukalang gawin ang water release na mas maaga nang limang araw para hindi gaanong malaki ang impact ng baha.
Paliwanag nito, maaari lamang gawin ang pagpapakawala ng tubig sa loob ng tatlong araw bago ang pagdaan ng bagyo, alinsunod sa pinapayagang panuntunan.










