
Nagpahayag ng kahandaang tumulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng Bagyong Betty ang National Housing Authority.
Sa isang pahayag ay sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na handa itong magbigay ng kaukulang asiste ang mga regional at district managers para sa paghahanda sa posibleng maging pananalasa ng nasabing bagyo.
Anya, mayroong 900 relocations sites ang NHA na may kakayahang tugunan ang mga magsisilikas na mga indibidwal nang dahil sa pananalasa ng bagyo.
Bukod dito ay sinabi rin niya na magbibigay din ng Emergency Housing Assistance Program ang kagawaran para tulungan ang mga calamity victims na muling maitayo ang kanilang mga tahanan at makapagsimula ng bagong buhay.
Samantala, kaugnay nito ay nagbigay na rin aniya siya ng direktiba sa mga nasasakupan nito na imonitor ang lahat ng mga housing project sites ng ahensya sa iba’t-ibang panig ng bansa, at dapat aniyang may kamalayan ang mga benepesiyaryo nito tungkol sa nasabing bagyo kasabay ng pagbibigay diin na mabibigyan ng prayoridad ang lmag benepisyaryong lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo.










