-- Advertisements --
image 343

Muling nabigyan ng kapangyarihan ang pamunuan ng National Food Authority(NFA) na magsagawa ng mga inspeksyon sa mga merkado kung saan nagbebenta ang mga rice retailers.

Ito ay matapos magpalabas ang DA ng isang memorandum order na nagde-deputized sa mga personnel ng NFA para magbigay ng technical assistance sa monitoring at enforcement operations na isasagawa ng DA at DTI sa mga pamilihan, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad sa price ceilings sa bigas na nakapaloob sa Executive Order 39.

Batay sa MO No. 62 series of 2023 signed by DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban kamakailan, ang mga personnel ng NFA ay maaaring maglibot o sumama sa mga isasagawang inspeksyon upang tingnan kung ang mga ibinebentang bigas ba ay tugma o akma sa itinatakda ng EO ni PBBM.

Kailangan umanong matiyak na well milled at regular milled ang naibebenta sa halagang P41 at P45.

Ginawa ng DA ang naturang hakabang bilang tugon sa pangamba ng mga gruo na maaaring baguhin ng mga retailers ang label ng kanilang mga panindang bigas, para lamang maipakita na tumutupad sila sa nasabing kautusan.

Una nang sinabi ng DA nitong nakalipas na linggo na ang compliance rate ng mga retailers ay nasa 95%.