-- Advertisements --
Tuluyan ng lumipat sa Al-Hilal team ng Saudi Arabia si Brazil forward Neymar.
Ito ang kinumpirma ng kaniyang dating koponan na Paris Saint-Germain.
Siya ang pinakahuling sikat na football player na lumipat sa Saudi Arabia.
Una ay Cristiano Ronaldo na sinundan ni Karim Benzema.
Sa video na inilabas nito ay pumirma siya ng dalawang taon sa Saudi Arabia.
Taong 2017 ng sumali ito sa PSG mula sa Barcelona sa halagang $242-M.
Mayroong kabuuang 118 goals ito sa 173 laban ng PSG kung saan nagwagi ng limang liga, isang title at tatlong Frence Cups.