-- Advertisements --

Labis na pagkapagod sa trabaho ang isa sa dahilan ni New Zealand Prime Minister Jacinda Arden kaya nagpasyang bumaba sa puwesto bago ang halalan.

Sinabi nito na tatapusin na niya ang kaniyang termino sa Pebrero 7.

Dagdag pa nito na ang desisyon ng pagbaba sa puwesto ay sariling desisyon niya.

Itinuturing niya na isang prebilihiyo at malaking hamon ang pagsilbi sa bansa at itinuturing niya na tila naubusan na siya ng gasolina at lakas para sa ipagpatuloy pa ang trabaho.

Taong 2017 ng mahalal si Arden sa edad na 37 na siyang pangatlong babaeng lider ng bansa at isa sa pinakabatang lider sa buong mundo.

Matapos ang isang taon ay isinilang ang anak sa opisina na siya rin ang pangalawang lider na nakagawa nito.

Noong 2020 ay muli siyang nahalal sa puwesto kung saan ipinakita sa mundo ang paghihigpit laban sa COVID-19.

Magaganap ang general elections ng New Zealand sa darating na Oktubre 14.