Lubos ang pasasalamat ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern sa kaniyang nasasakupan dahil sa unti-unti nitong tagumpay sa pakikipaglaban sa coronavirus pandemic.
Inanunsyo ni Ardern na mula “Level 4” lockdown ay ibababa na ito sa “Level 3” simula sa susunod na Lunes.
Ibig sabihin lamang nito ay maaari nang magbukas ang ibang negosyo at eskwelahan.
Ipinatupad noong Marso 25 ang state of national emergency sa buong New Zealand.
Dahil dito ay hindi maaaring lumabas ang mamamayan ng bansa mula sa kani-kanilang mga bahay maliban lamang kung ito ay essential personal movement. Pinapayagan naman ang pag-eehersisyon sa labas.
“We believe that decisive action, going hard and going early, gave us the very best chance of stamping out the virus. And it has,” saad ni Ardern.
“We have done what very few countries have been able to do – we have stopped a wave of devastation.”