-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bumisita sa bayan ng Midsayap Cotabato si New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell kasama ang delegasyon mula sa Food and Agriculture Organization o FAO.

Layon ng pagbisita ni Kell ay upang matingnan ang estado ng mga proyektong ipinagkaloob ng pamahalaan ng New Zealand sa bayan.

Kabilang rito ang Agri-development Project sa Brgy. Bitoka at Duck Raising and Egg Production sa Brgy. Baliki sa bayan ng Midsayap.

Ayon sa Embahada ng New Zealand, kasabay ng pagbisita ni Kell at ng FAO ay nagsagawa ng demo ng Cacao Processing Equipment ang Midsayap Cacao Producers Association at synchronized drop-and-swim sa mga pato na ipinagkaloob sa Baliki Farmers Association.

Nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryong barangay sa proyekto na ipinagkaloob ng New Zealand Government.

Samantala, tiniyak naman ni Mayor-elect Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan na magtutuloy-tuloy pa ang pagkakaroon ng mga proyekto sa bayan ng Midsayap na suportado hindi lamang ng New Zealand kundi ng iba pang bansa at organisasyon.