Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang mag-oobliga sa lahat na sundin at ipatupad ng health at safety protocols tulad nang madalas na paghugas ng kamay at paggamit ng face masks sa lahat ng pras sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa pamamagitan ng botohan na idinaan sa ayes at nays, inaprubahan ng mababang kapulungan ang House Bill 6864, o ang proposed “Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act of 2020”.
Pangunahing layunin ng panukalang ito na maihanda at maturuan ang mga Pilipino sa kung ano ang magiging buhay pagkatapos na tanggalin na ang lahat ng COVID-19 related restrictions katulad na lamang ng mahigpit na pagsunod ng social at physical distancing at iba pang inilatag na health at sagety protocols ng pamahalaan.
Sa ilalim ng panukala, obligado ang lahat na sundin ang ang protocols na kasalukuyang ipinapatupad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 katulad na lamang ang pagsuot ng face masks, paglagay ng handwashing o sanitizing stations sa mga pampublikong lugar, temperature checks, at physical distancing.
Inilalatag din nito ang mga regulasyon para matiyak ang safety at health standards para sa mga public gatherings, public transportation, gayundin sa mga paaralan at workplaces.