-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa operasyon sa kaniyang likod si Ben Simmons ng Brooklyn Nets.

Ayon sa Nets na ang nasabing paraan ay para maibsan ang sakit na dulot ng herniated disc.

Dagdag pa ng koponan na kinonsulta nila ang mga iba’t-ibang mga espesialista na siyang nakakainam sa kalusugan ni Simmons.

Ang nasabing 25-anyos na Australian player ay overall pick ng 2016 draft ng Philadelphia 76ers.

Mula sa 76ers ay nai-trade siya sa Nets noong Pebrero.